Night mode

Success Story

By: Lawrence Dave Bernal Maglaya, CPA

“But do not forget this one thing, dear friends: With the Lord a day is like a thousand years, and a thousand years are like a day. 9 The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. Instead he is patient with you, not wanting anyone to perish, but everyone to come to repentance.”

-2 Peter 3:8-9

My first attempt in the CPA board exams was last October 2017. I reviewed in ReSA for that batch. Because I graduated Cum Laude in college, nagkaroon ako ng thinking na “Alam ko na yan. Kaya ko ipasa ang CPA board exams without attending review classes”. And so, after getting 80% above average in our first preboard exams that time, mas lalong tumaas ang confidence ko na kaya ko ngang makapasa sa CPA board exams on my own. After the first preboards hindi na ako masyadong umattend sa review classes ko. Ang katwiran ko kasi, “alam ko na yan lahat. Pwede ko naman aralin lahat yan sa boarding house”. Lumipas ang mga oras hanggang sa narealize ko na papalapit na yung mismong araw ng actual October 2017 CPA board exams. One week before the actual exams, nagsimula na ako sa cramming stage ko. I realized a mistake in life. Sinayang ko ang oras. Yung oras na sana ay iaaral ko naman talaga dapat ay tinulog ko pala. Nagdaan ang actual October 2017 CPALE. If I am not mistaken, it was on November 2, 2017 ng lumabas yung results, 10 PM. Wala ang pangalan ko sa list of passers. Siyempre umiyak ako. I put the blame on God dahil sa pagbagsak ko. Pero pinagsisihan ko din. Why? God made me realize that time of how complacent I was during the review period. Naging mayabang ako. Nagtanim ako ng pride sa puso ko. That time napatunayan ko na totoo ang sinabi sakin ng cell leader ko sa church namin dati. Read James 4:6. “God opposes the proud, but gives grace to the humble”. After my moment with God nung gabing umiyak ako dahil sa unfavorable results, nagpasalamat pa din ako. HUMILITY. Yan ang gusto saking ituro ni God that time. Gusto ni Lord sa kanya yung Glory, hindi sakin. Gusto ni Lord siya yung tinataas, hindi ang sarili ko.

Fast Forward. Hindi ako kaagad nakapag-verify ng ratings ko sa PRC, so I decided na magpunta ng Manila to know the truth. I got 74 as my average pala sa October 2017 CPALE. That time napaisip ako. Kung nagamit ko lang ng tama ang oras ko noong nasa Manila ako edi sana nakapasa na pala ako. Medyo mayabang ulit ako that time. Hindi muna ako nagreview ulit. I decided to work muna kasi medyo depressed ako that time. Kailangan ko i-divert ang attention ko sa ibang bagay para gumaling yung sugat na dala ng pagbagsak ko. And so I applied and was hired sa SM Rosario. I worked there as an Accounting Assistant. CPA ang manager ko. I learned many lessons in life noong nasa SM ako nagwowork. Lessons about time. Lessons na hindi ko agad natutunan nung time na nagrereview ako. Then, nainspire ako sa success story ng manager ko sa SM. She earned her CPA title after failing once. I was also inspired by my officemates there. Mababait silang lahat. Sa kanila ko natutunan ang value ng patience. Hindi pala ako fast learner. Mali pala ang pagkakakilala ko sa sarili ko. That’s why I failed in the October 2017 CPALE.
Fast Forward. Hindi ko namalayan ang pagbilis ng oras. May 2018 na pala. The May 2018 CPALE results was released. Gabi yun nilabas ng PRC that time. I arrived home from work. CPA na pala yung apat kong classmates na kasabayan ko bumagsak noong October 2017 CPALE. That time I cried again to God. Naging bitter ako ulit. Not because CPA na yung apat kong classmates. But because I made a wrong decision pala. Dapat hindi muna pala ako nagwork. Dapat tinuloy ko ang laban ko. Edi sana pala CPA na ako that time. After that night ay gulong gulo ang isip ko. I prayed to God. He gave me a sign. And so I decided to resign. Sorry po Mam Kat and sa officemates ko sa SM Rosario.

I enrolled in CPAR. Batch 84 na that time. Wala akong pakialam kahit late na ko nag-enroll sa review classes ko. Naaalala ko kasi yung kasabihan na “kapag gusto maraming paraan”. Dahil nga desperado ako maging CPA kahit sa sa dulo na lang ng classroom yung available na slots, I still enrolled. Room 4 Weekends yun. Natatandaan ko pa. This time sure na ako sa gusto kong mangyari sa buhay ko. Thanks to God. Inuntog niya ako. Alam ko sa sarili ko na magiging CPA ako. It was written in the stars. And so pinagpatuloy ko yung laban na sinimulan ko last October 2017. Mas sinipagan ko pa ang pag-aaral. Tiniis ko lahat ng hirap sa Manila. Ang hirap pala ng buhay sa Manila. Mahirap ang byahe. Waking up at 4 AM para lang makarating ako sa Manila ng 8 AM kasi 8 AM start ng classes namin. Pero naisip ko kasi mas mahirap kapag hindi CPA. Kahit nahihirapan ako that time tinuloy ko ang laban ko. Lumalaban ako this time para sa pamilya ko. Lumipas ang mga araw. Unfortunately, hindi ko natapos aralin lahat ng handouts namin. I took the board exam last October 2018 without reading the handouts na related sa new topics sa RFBT. Also, hindi ko natapos yung Taxation. Making the story short, results day na naman and my name again was not included on the list.
Siyempre umiyak na naman ako. Kasi mas nasaktan ako this time dahil mas nag-effort na ako. Mas masakit pa kasi alam ko ang nararamdaman ng mga taong nasa tabi ko. Nagkaroon ako ng thinking na bakit ganoon? Am I a failure God? Then I prayed to God. I realized a mistake again.
Read Proverbs 3:5-6. “Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding. In all your ways submit to him, and He will make your paths straight”. May value na naman pala na gustong ituro si God sakin. Learn to listen. Mali pala yung attitude na “all knowing”. Matutong makinig. Hindi palaging ako ang tama. I realized a lot mistakes na nagawa ko sa 2nd review period ko. Hindi ako nakinig sa parents ko. Puro decision ko ang laging nasusunod. I was a little selfish pala.

Lumipas ang mga araw after ng October 2018 CPALE results. Siyempre I decided to draft my resume na. Gustuhin ko mang magreview ulit pero wala na kaming pera. Unti unti na namang nagthrowback lahat ng maling nagawa ko. I regret doing such things in the past. Yung pagiging complacent ko, yung pagiging hindi matalino sa pagmanage ng oras. All of that thoughts running inside my head. Kinausap ako ni Mama. Meron pala akong Tita sa side ni papa na willing magsponsor ng tuition ko sa review. This time medyo lumiwanag ang unti unti kong nagdidilim na mundo. I said to myself, hindi pa tapos ang laban. Isa pa! One more round pa. Aja!!!! HUA!!!!

Pumunta ako ulit sa Manila para sana magenroll. This time ay refresher na ako. I don’t care. Nasugatan na ako. Hindi ako papayag na masusugatan ako pero at the end ay wala naman akong mapapala. The battle must continue. Kaya nga Dave ang pinangalan sakin ng parents ko eh. It came from the biblical character, David. That time, the CPA board exams ang goliath sa buhay ko. So what if I failed twice? Nilagay ko ang sarili ko as the main character sa isang pelikula. Ang mga bida sa una lang binubugbog. Sa una lang pinahihirapan. Pero sa bandang huli nasa bida na ang huling halakhak. I prayed to God. This time iba na prayer ko. I am claiming this time na CPA na ako sa May 2019. Kahit wala pa sakin yung title na CPA pero nagpapasamalat na ko kasi nagclaim na nga ako.
Unfortunately, wala ng slots sa CPAR that time. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Naalala ko ulit ang sinasabi ng parents at cell leader ko. Kung gusto, maraming paraan. And I learned na may vacant slots pa sa PRTC-Dasmariñas Cavite Branch. Syempre dahil kulang ang pera namin that time, humingi ako ng 50% discount dahil Cum Laude naman ako. Buti na lang napagbigyan ako. This time mas lalong luminaw sa mga mata ko na para sakin talaga ang CPA title. Imagine? Kahit mahirap may nagbigay sakin ng ganon opportunity para magreview ulit.
Hindi ko sinayang ang pagkakataon. Late enrollee ako ulit pero pinilit kong makahabol sa lessons. Thanks to PRTC reviewers kasi hindi naging mahirap sakin ang pag-catch-up sa mga lessons. Yung mga lessons na para sa akin ay mahirap dati (for example, Forex) ay unti unting dumali dahil magagaling ang reviewers namin. Thanks also to God. Hinayaan niyang maintindihan ko ang mga lessons.
Also, this time ay gumawa ako ng schedule sa cellphone ko. Binigyan ako ng magandang cellphone ni Lord. So why not use it para maging productive? I made a schedule of one subject per day. This time mas lalong tumindi yung eagerness ko na magaral. And so I decided to deactivate my social media accounts. Sabi ko sa sarili ko this is the final battle. After nito ayoko na ulit. There are things na kailangang bitawan at ilet-go.

Dumaan ang mga araw. Dahil mas mahaba ang review period kapag May ang exams, I was able to finish our handouts sa Business Law, Taxation, and Advanced Accounting. Hindi ko natapos yung ibang subjects kasi pinagsabay ko din ang gym at review. This time hindi lang utak ang ihahanda ko. Kailangan handa din ang katawan ko sa actual May 2019 CPALE. Mas confident na din ako this time kasi nakuha ko maging Top 2 at Top 4 sa first and final preboards namin.

Fast forward ulit. Dumaan ang Preweek. Thanks to Mommy Gerlie sa pagsponsor. Hahaha. Kasi short din budget namin that time. Ayoko makadagdag sa expenses ni mama dito sa bahay. The first week of the exams passed. Kagaya ng marami ay nahirapan din ako sa Taxation. Puro DST kasi yung tinanong na hindi ko naman talaga masyadong inaral. Tapos mantakin mo na masama din pakiramdam ko nung exam na yun. Hindi kasi ako nakatulog masyado the night before the exams. Lumipas si Taxation at eto na si RFBT. Okay naman. Natapos ko naman lahat ng questions by 3 PM. 1 PM kasi start nun. Thanks to Atty Yolly Bacay kasi maniwala ka sa hindi naririnig ko ang boses niya habang nagsasagot ako.

One week na ulit na preweek for the last 4 subjects na natitira. But unfortunately, sumama ang pakiramdam ko. I was not able to go to Manila dahil sa allergy ko. So I decided na yung materials sa CPAR batch 84 ang aralin ko. Buti na lang organized ako sa gamit from the start. It was one thing na natutunan ko because of my failures. Dapat organized.

Actual CPALE na ulit. Unang subject, MAS. Medyo okay pa kasi mahilig ako magsagot ng MCQs namin during my review period in PRTC. Pero yung sunod na subject ang hindi na okay. That was Auditing. Nakakagigil. Okay naman sa Auditing Theory. Pero bakit ganon sa Auditing Problems? Bawat problems na sinasagutan ko ay sinamahan ko na talaga ng dasal. Then Financial Accounting is next. Okay naman. Nakasundo ko naman. And the last is Advanced Financial Accounting. Nakasundo ko din kasi yung exact problems na inaral ko ang lumabas sa actual CPALE.

One week passed at ayun, last May 27 ay results day. Nanginginig ako nang nagising kaya I decided na magpunta sa gym to relax. Dumating ang gabi. I made sure na nakakain na ko ng dinner para kapag lumabas ang results, iiyak na lang ako.

I waited until around 10 PM. Then a reviewer from ReSA posted something. 16.43% lang ang passing rate with the Top 1 coming also from ReSA. Syempre wala akong naramdaman that time. Ewan ko ba. Namanhid yata ako bigla. Sa isip isip ko, kung sa 30% passing rate last October 2017, at sa 25% passing rate last October 2018 ay hindi ako kasama, how much more with the 16.43% which was now the lowest passing rate in the CPALE history in the Philippines for the past 10 years? I decided not to search on my name sa list of passers na tutal para sakin, it’s impossible na makita ko yung name ko doon. Nagsorry na din ako sa mama ko kasi hindi ko na siya mabibigyan ng anak na CPA. Ayoko umiyak. I decided na ipikit na lang ang mata ko at hantaying matulog ang aking diwa. But what surprising is nung ipinikit ko na ang mga mata ko, unti unti namang bumilis ang tibok ng puso ko. I don’t know why. Bihira dumadating ang point sa buhay ko na bumibilis ang tibok ng puso ko. There must be something na hindi ko pa nagagawa today. May kailangan pa kong gawin bago ako matulog. Then nagvibrate ang cellphone ko. Out of curiousity, I opened the chat of one of my classmates nung undergrad. Siyempre hindi pa malinaw sakin ang lahat pero nakalagay doon “Congrats”. Then another friend of mine sent also a chat that night. Dito medyo palagay na ako kasi bumibilis tibok ng puso ko lalo. “Congrats, Dave. CPA ka na”. Ayoko magassume kasi baka masaktan na naman ako. That’s why I requested a screenshot of the results. Nagsend siya ng screenshot kaso malabo. Hahahaha. Then I decided na kami na lang ni Mama ang tumingin sa results.

Finally, this time, may name was included in the list of passers na ❤ Another lesson from God, for the last time. Believe and Trust.

Sorry po kung medyo mahaba. I hope my CPA journey will inspire many CPA candidates. Wag po tayong matakot lumaban. Mangarap ka, hindi dahil libre. Mangarap ka dahil meron tayong Diyos na faithful at marunong tumupad sa kanyang mga pangako. For it is God who planted the dreams inside our hearts. Siya din ang tutupad nito. In his perfect time ❤

Lawrence Dave Bernal Maglaya
Certified Public Accountant by God’s grace
May 2019

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *